Saturday, January 19, 2013




Isang Magsasaka

Gaano kalawak ang iyong kaalaman pag dating sa agrikultura?Eh,anung alam mo tungkol sa mga MAGSASAKA?.May alam ka ba tungkol sa kanila,bukod sa sila lang naman ang gulugod ng ating ekonomiya.Sila  din ang masipag,marangal,butihing manggagawa."Dugo at Pawis" ang kanilang inaaalay sa bawat butil ng bigas na isasaing,ihahahain sa hapagkainan ninyo at kakainin.Naisip niyo ba kahit papaano kung gaano ka importante ang isang butil ng bigas na sasayangin mo.Bawat butil ng kanin na itatapon at sasayangin mo.Isipin mo na sa bawat butil na iyon na sinayang mo,para mo na rin sinampal at isinawalang bahala ang pagod at oras na ginugol nila upang makapag patubo ng palay na ginagawang bigas para makain natin.

Palay na naging bigas

Ang bigas -kanin ang pangunahing pagkain na ating kailangan upang tayu ay mabuhay,Binibigyan din tayu nito ng nutrisyon sa katawan.Kahit nga onting ulam lang tapos maraming kanin  sapat na para tayu ay mabusog,hindi ba?.O!Ngayun unti unti nabang pumapasok sa ating isipan ang kahalagahan ng bigas o ng iba pang bagay na ating sinasayang.Dapat maaga palang ay sumagi na ito sa ating isipan.

Ang ating agrikultura

Mahalaga ang agrikultura dahil naniniwala ako na halos lahat na bumubuhay sa atin ay nagmula dito,bukod sa mga maka-bagong teknolohiya,o iba pang mga kagamitan.Anu nga ba ang hilaw na materyales?Ang hilaw na materyal ay ipinoproseso sa mga pabrika upang makagawa ng mga bagong produkto.Bago makagawa ng maka bagong produkto ito ay nagmumula sa hilaw na materyales.Kagaya na lamang ng palay na naging bigas at kanin,puno na naging upuan,lamesa,kagamitan sa bahay,papel at MARAMI pang iba.Ang mga ito ay nagmula sa AGRIKULTURA.Kaya ito ay napaka mahalaga sa ating bansa.


Ekonomiya

Ng dahil sa agrikultura lumalago at sagana ang ating ekonomiya.Dahil sa maganda at maayos na paglago ng ating agrikultura,naanyaya ang mga taga ibang bansa upang mag angkat ng ating sariling produkto at mga hilaw na materyales,Tayu ay nag eexport ng gawang pinoy sa ibang bansa.Na nakakatulong din naman upang tayu ay makilala at tangkilikin pa ang gawang pinoy dito at sa ibang bansa.Nakakatuwa hindi ba?Pero dapat balanse lamang ang produksyon upang hindi magkaroon ng problema.

Heto ang isang interview o report tungkol sa isang issue ng bansa tungkol sa mga magsasaka 
Courtesy of Youtube.com and Gma New tv

        " Total land distribution sa Hacienda Luisita, pinagtibay ng SC"




Kung sakaling hindi gumana ang video pa click lamang ang link na ito
Sa video na ito ipinapakita na natapos na ang pakikipag laban ng mga magsasaka ang lupang sinasaka.Ibinigay na sa kanila ng korte suprema ang lupang sinasaka.Madaming magsasaka ang makikinbang dito.Dito pinapapakita ang kahalagahan nito sa kanila,ng agrikultura din.Dahil sa angrikultura ,mayroon silang matinong trabaho at ikanabubuhay.Kahit sa probinsya lang sila.Kahit na sinasabi ng iba na sila ay magsasaka lamang,Malaki ang kanilang naambag sa ating ekonomiya.Hindi biro ang kanilang pamumuhay at pakikipag sapalaran sa bukid.Sana bago tayu mang husga magisip[ muna tayu.

Oh,sana kahit papaano  naipaliwanag ko ang inyong isipan tungkol sa importansya ng agrikultura.Maraming salamat. :) 

2 comments: